BAGYONG YOLANDA
Ang Bagyong Yolanda(HAIYAN) ay isang malakas na bagyong nanalasa sa
pilipinas noong Nobyembre 2013.Ang bagyong ito ay isa sa pinakamalakas
na bagyong naitala sa daigdig at pangalawa sa pinakamalakas na bagyong
dumating sa pilipinas na kung saan ay nagdulot ng kagimbal-gimbal na
karanasan sa ating mga kababayan sa may Leyte at Samar.Unang tumama ang Bagyong Yolanda sa pulo ng Guiuan, Silangang Samar
dakong 4:45 n.u. na may taglay na hangin na 196 mph (315 km/h), na
naging dahilan upang maging pinakamalakas na bagyo sa daigdig na tumama
sa kalupaan. Naitala din ng PAGASA na anim na ulit na tumama ang bagyo sa iba't ibang kalupaan sa Kabisayaan. Tatlo na ang tiyak na nasawi ayon sa NDRRMC
at pito pang iba ang sugatan. Naitala rin ang malalakas na alon sa
maraming lugar. sa pulo ng Leyte at Samar, nasukat ng PAGASA ang alon na
may taas na 5-6 na metro (15-19 talampakan).
Magmula noong 10 Nobyembre 2013, 151 na ang tiyak na nasawi ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Subalit may sumunod na ulat na may nagsabing isang opisyal sa Samar na nagkumpirma ng 300 nasawi mula sa bagyo sa lugar pa lamang na iyon.
Sa Tacloban, Leyte, nawasak ang gusali ng Paliparan ng Tacloban
dahil sa paghampas ng malalaking alon mula sa dagat na may taas na
aabot sa ikalawang palapag. Tinantiya ang pagragasa ng tubig dagat o storm surge na aabot sa 5.2 metro (17 talampakan).Sinabi ng tagapamahala ng paliparan ng Tacloban na si Efren Nagrama na
tumaas ang tubig na aabot sa 5 na metro (13 talampakan) sa paliparan. Nakagawa ang bagyo ng 15 metro ng mga alon (45 talampakan). Malawak ang pinsalang natamo mula sa storm surge, ang mga gusali ay nagiba, ang puno ay napatumba o naputol, at ang mga sasakyan ay nasalansan. Pinakalabis na naapektuhan ang mga mabababang bahagi ng lungsod ng Tacloban,
na halos mabura ang pamayanan sa mababang lugar sa tabing dagat. Umabot
sa isang kilometro paloob ng silangang bahagi ng lalawigan ang pagbaha. May mga inisyal na pagtaya ng 1,000 nasawi sa Tacloban sa lalawigan ng Leyte, at may dagdag na 200 pa sa lalawigan ng Samar. Nasa 70 hanggang 80% ng lalawigan ng Leyte ang napinsala, at inaasahan ng gobernador ng lalawigan na nasa 10,000 katao ang nasawi. Sa kanlurang bahagi ng Samar, hindi gaano kalakasan ang pagragasa ng storm surge.
Tinawid ng bagyo ang Kabisayaan sa loob ng isang araw, na nagdulot ng malawakang pagbaha. Sa Cebu at Iloilo, na niyanig ng lindol dalawang linggo na ang nakalilipas, ay labis na napinsala. Noong umaga ng ika-8 ng Nobyembre, nakapag-ulat pa ng live
ang mga himpilan ng media sa kapuluan patungkol sa pananalasa ng
bagyong Yolanda. Naiulat ang malawakang pagkawala ng suplay ng kuryente,
pagguho ng lupa, at mabilisang pagbaha. Naharangan ang mga pangunahing
daanan ng mga nagtumbahang mga puno. 453 mga byaheng lokal at
internasyunal ng mga eroplano ang nakansela. Nagsara naman ang ilang mga
paliparan noong ika-8 at ika-9 ng Nobyembre. Nagsimula ang pamimigay ng
tulong noong ika-9, subalit nananatiling hindi maabot at walang
komunikasyon sa ibang lugar dahil sa labis na pinsalang natamo mula sa
bagyo.(from wikipedia)
Batay sa inpormasyon na galing sa GMA7 umabot na sa 4,000 bilang ng tao ang nasawi sa bagyong ito at 18,557 naman ang sugatan at 1,602 naman ang pinaghahahanap pa.Nasa
2,145,359 naman na pamilya o 9,996,065 na tao ang naapektuhan sa 10,716
na barangay sa 44 na probinsiya. Sa bilang na ito, 85,562 na pamilya o
398,377 na katao ang nananatili sa mga evacuation center.Nagkakahalaga
na ng P12,238,957,467.92 ang pinsalang dulot ni Yolanda, kabilang ang
P1,791,321,615 sa imprastraktura at P10,447,635,852.92 sa agrikultura.Nawasak naman ang 323,454 na bahay at 324,706 naman ang nagtamo ng pinsala.
MGA LARAWAN NA NAGPAPAKITA NG NAPAKALAKING PINSALA NG BAYYONG YOLANDA
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento